Kasado na ang malawakang pagtitipon ng Liberal Party sa Enero ng susunod na taon.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, kasama sa dadalo sa nasabing pagpupulong sina Dating Pangulong Noynoy Aquino, dating DILG Secretary Mar Roxas at lahat ng kasalukuyang miyembro ng Liberal mula sa mga lokal na opisyal hanggang mga miyembro ng Kongreso.
Unang itinakda ang pulong sa March 2017, pero hiniling ni Robredo kay Liberal Party President Kiko Pangilinan na paagahin ito sa Enero.
Ito pa lang ang kauna-unahang pormal na pagpupulong ng partido matapos ang eleksyon.
Partikular na tatalakayin sa meeting ng LP ang direksyon ng partido sa Administrasyong Duterte at kung ano ang paninindigan ng partido sa mga kontrobersyal na isyu ng bansa ngayon.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal