Ibinunyag ng Philippine National Police na nakatanggap sila ng report na nagkaroon ng hakutan at bayaran sa ilang mga taga-suporta ng pamilya Duterte sa Edsa-Shrine.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, batay sa report na kanilang natanggap, pinangakuang babayaran ang mga dadalo sa nasabing pagtitipon.
Ipinakita rin ni Brigadier General Fajardo ang video ng nangyaring pag-iinterview sa mga posibleng hakot at paglilista sa mga sinasabing nabayaran ng 200 piso.
Depensa naman ng mga Duterte supporter, hindi sila mga bayaran.
Samantala, tiniyak ng pnp na mahigpit nilang binabantayan ang pagtitipon-tipon ng Duterte supporters sa Edsa Shrine.
Kaugnay nito, ipinaubaya na nila sa sa NCRPO ang pagpapasya kung kailangang itaas ang alerto sa Metro Manila.