Nilagdaan na ni UK o United Kingdom Prime Minister Theresa May ang liham para sa pagtiwalag ng UK sa European Union (EU).
Kasunod ito ng referendum noong Hunyo kung saan napagbotohan na lisanin na ng UK ang European Union (EU).
Samantala, nakatakdang magpulong ang 27 lider na European Union (EU) upang bigyang-mandato ang Eurpean Commission na makipag-usap sa UK.
Nangako naman ang Prime Minister ng UK na magiging kinatawan siya ng lahat ng tao sa United Kingdom, kabilang na ang mga mamamayan ng European Union, upang maging malinaw ang magiging kalagayan nilang lahat pagkatiwalag sa European Union.
By Avee Devierte