Inatasan na ng Department Of Energy ang mga kumpanya ng langis na tiyaking sapat ang supply ng kanilang mga produkto sa gitna ng numinipis na global oil supply sa ika-4 na quarter ng taon.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, dapat maglatag ng mga plano at solusyon ang mga oil company upang mabawasan ang epekto ng price hike sa mga susunod pang buwan.
Nakasaad sa ilalim ng Executive Order 134 noong 2002 na dapat panatilihin ng lahat ng oil companies sa bansa ang minimum inventory ng Petroleum stock.
Ito’y upang matiyak na sapat at stable ang supply ng petroleum products sakaling magkaroon ng domestic at international events, tulad ng terrorist attacks at armed conflicts sa Middle East.—sa panulat ni Drew Nacino