Pinaigting pa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pagtugis sa mga terorista sa lalawigan ng Maguindanao.
Ito, ayon kay MILF Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) National Guard Commander George Kasim, ay kasunod nang patuloy nilang pagsuyod sa Liguasan Delta at Salibo-Pagatin-Mamasapano-Shariff Aguak (SPMS) box sa lalawigan.
Sentro ng operasyon ang grupo ni Shiekh Esmail Abulmalik alyas “Kumander Abu Toraife” ng BIFF Isis-inspired group.
Kinumpirma rin ni Kasim na nagdagdag na sila ng puwersa sa Maguindanao at tumutulong rin ang ilang local field commanders ng MILF para tugisin ang mahigit 300 BIFF kung saang ilang kampo nito ang nakubkob na, mga armas na narekober at napatay na mga miyembro nito.