Mayorya ng mga Pinoy ang nagsabing sapat ang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic maliban na lamang sa pagbibigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho.
Ito’y batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) kaugnay sa pagtulong ng gobyerno sa mga naapektuhan ang hanapbuhay ng pandemya.
Batay sa resulta, lumabas na 71% ang nagsabing sapat ang pagkilos na ginagawa ng gobyerno para matiyak na may kaalaman ang publiko kung papaanong maiiwasan o malalabanan ang COVID-19.
Ngunit pagdating sa pagsisikap ng gobyerno na matulungan ang mga nawalan ng trabaho, lumabas sa survey na 46% ng mga Pinoy ang nagsabing hindi sapat ito habang 44 % naman ang kuntento.