Maliban sa pandemya, kahirapan at trabaho, dapat ding tutukan at pagtuunang pansin ng mga presidential aspirants ang pagtugon sa climate change.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ng Political Analyst na si Professor Clarita Carlos ng UP Department of Political Science, na malaki ang epekto ng climate change sa food supply, kalusugan at iba pang mga usapin tulad ng mga hidwaan.
Iginiit pa ni Carlos na dapat na magsumikap ang bawat isa na labanan ang climate change.