Magkatuwang na tutugunan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Putin ang banta ng COVID-19 pandemic.
Ito ang kapwa pinagkasunduan ng dalawang lider sa kanilang pag-uusap sa telepono.
Mababatid na kasabay ng paggunita sa ika-45 taong anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa, ipinangako ni Putin kay Duterte na nakahandang umalalay ang Russia sa bansa.
Bukod pa rito, napag-usapan din ng dalawang lider ang defense at security cooperation maging ang mga usapin hinggil sa pamumuhunan.
Sa huli, muling inimbitahan ni Pangulong Duterte si Putin na bumisita sa bansa.