Pinasisilip muli ni Senator Nancy Binay sa 19th Congress ang mga isyung may kaugnayan sa pagtugon ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Binay, sa oras na magbukas ang Committee of the Whole ng senado ay dapat usisaing muli ang mga pending na isyu.
Halimbawa rito ang vaccination programs, access sa COVID-19 boosters, estado ng mga healthcare workers, health and pandemic statistics, exit plans at iba pa.
Umapela naman ang senadora sa publiko na mapaturok na ng booster shot lalo na’t tumataas ang kaso ng COVID-19.
Nagpahayag rin ng suporta si binay sa hakbang ng gobyerno na paigtingin ang vaccination drive laban sa nakahahawang virus.