Inihayag ni Press secretary Trixie Cruz-Angeles na kabilang sa ipa-prayoridad ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior ang pagtugon sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Sa naganap na ikalawang cabinet meeting ni PBBM sa Malacañang, unang tinalakay ang nararanasang inflation rate ng Pilipinas kung saan lumalabas na 57% ng mga pinoy ang may nais na gumawa ng paraan ang administrasyong Marcos para makontrol ang inflation.
Ayon sa kalihim, bago pa man lumabas ang survey ng Pulse Asia, ay napag-usapan na ng pangulo at mga miyembro ng gabinete ang inflation na isang potential problem ng Pilipinas.
Sa ngayon, planong pataasin ng administrasyon ang produksyon sa bigas o palay at mais maging ang seguridad ng suplay at abot kayang pagkain para sa mga Pilipino.