Malaking pagsubok ang pagtugon sa mental health crisis ng mga apektado ng kaguluhan sa Marawi City.
Ayon ito kay Father Dan Cansino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Healthcare dahil isa aniya sa pinakamalaking hadlang sa psycho social intervention para sa mga bakwit ang lengguwahe at kultura ng mga Maranao.
Dahil dito, ipinabatid ni Cansino na tinuturuan ng CBCP – ECHC ang iba pang volunteers at mga katulong nitong grupo para maging sensitibo sa kultura ng mga apektadong indibidwal.
Bagamat nakapagbigay na ng paunang therapy sessions ang simbahan at mga katuwang nitong grupo, malalim pa rin ang kinakailangang tugunan sa pangangailangan ng kalusugang pang-kaisipan ng mga Maranao.
By Judith Estrada – Larino | Ulat ni Aya Yupangco
SMW: RPE