Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na patuloy nilang tinutugunan ang mga kinakaharap na problema sa sektor ng edukasyon sa bansa, isang linggo bago ang pasukan sa Hunyo 3.
Ayon kay DepEd chief of staff, undersecretary Nepomuceno Malaluan, kabilang na rito ang kakulangan ng mga silid-aralan at iba pang mga kinakailangang pasilidad sa mga pampublikong eskwelahan.
Aniya, tuloy-tuloy ang pagtatayo ng mga bagong gusali ng ilang mga paaralan sa buong bansa, lalo’t batay sa kanilang pagtaya, tumaas ng 3% ang mga nag-enroll na mga estudyante ngayong taon.
In many places makikita niyo ‘yung mga bagong tinatayong gusali ng paaralan, ‘yung iba diyan ay matatapos pa lamang. And then after nga nitong, itong Brigada Eskwela may kasama na ‘yan na school readiness assessment both at the national atsaka the school and division and regional level at pagkatapos niyan meron pa tayong Oplan Balik-Eskwela.” ani Usec. Nepomuceno.
Sa usapin naman ng bilang ng mga guro, sinabi ni Malaluan na tuloy-tuloy din ang pagkuha nila ng mga bagong guro simula pa nang pag-arangkada ng K-12 program noong 2013.
Overall, ang ating teacher to student ration ay maganda na at all levels but that’s a national average, so, meron pa ring mga excess and deficiencies on school level but that is already a local matter for the division superintendents to, for example magkaroon ng redeployment ang mga teachers, lagyan ‘yung mga pagkukulang at kuhanin sa may excess naman.” dagdag pa ni Usec. Nepomuceno.
Balitang Todo Lakas Interview