Nananatiling nakasandal sa ligal at diplomatikong paraan, ang pagtugon ng Pilipinas sa patuloy na pagkamkam ng China sa mga isla sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, ito ay batay sa resulta ng ipinatawag na pulong ni Pangulong Noynoy Aquino, sa legal team hinggil sa isyu sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Coloma na sa ngayon ay inaantay pa ng pamahalaan ang desisyon ng UN Arbitral Tribunal, sa diplomatic protest ng Pilipinas kontra China.
Pinag-aaralan pa din aniya ng Pilipinas ang magiging posisyon nito sa binubuong ASEAN Code of Conduct hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)