Posibleng humingi ng patnubay ang Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) hinggil sa kalagayan ng sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, III, makatutulong ang assessment ng international body sa pagtukoy kung ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa ay kontrolado na o napigilan.
Dagdag ni Duque, umaasa ang kagawaran na bababa sa 5% ang positivity rate kung saan ito ang benchmark ng WHO na mas mababa sa loob ng 14 na araw.
Samantala, muli namang nagpaalala ang kalihim sa publiko na patuloy na sundin ang mga ipinatutupad na health protocols habang bumababa ang naitatalang bilang ng kaso ang bilang ng kaso ng COVID-19.
Aniya, dapat iwasan ang close spaces, crowded areas at ang close contact (3Cs) setting para maiwasan ang pagkalat ng virus.