Nakatakdang bumuo ng isang komite ang Philippine National Police (PNP) para tutukan ang mga karahasang posibleng may kinalaman sa halalan sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Dir/Gen. Oscar Alabyalde kasunod na rin ng pagdami na aniya ng mga gun for hire at private arm groups lalo’t umiinit na ang away pulitika sa mga lalawigan dahil sa eleksyon.
Ayon kay Albayalde, inatasan na niya ang Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) para tutukan ang mga binuong Special Operations Task Force sa buong bansa.
Layon nito na bantayan ang mga lugar na laging may naitatalang kaso ng karahasan o patayan na may kinalaman sa pulitika.
Dagdag pa ni Albayalde, posibleng simulan na nila sa susunod na linggo ang pag-aaral kung anong mga lugar sa bansa na posibleng isailalim sa critical areas o areas of concern.