Matatagalan pa umano ang pagtukoy sa kung sino ang nasa likod ng emergency alert kung saan tila kinakampanya si dating Sen. Bongbong Marcos.
Sinabi ni National Telecommunications Communication (NTC) deputy commissioner Edgardo Cabarrios, bagama’t hindi imposibleng matukoy ang mga ito, tiyak na mahirap ang pagdadaanang proseso dahil maikling oras lamang ang pagkaka-transmit ng mensahe.
Dagdag pa ni Cabarrios posibleng galing ang mensaheng ito sa isang portable cell site.
Napaka-epektibo kasi aniya ng mga portable cell sites sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad at down ang komunikasyon.
Ito aniya ang ginagamit para balaan ang mga residente sa posibleng epekto ng dadaang o dumaang kalamidad.
Ngunit dahil wala namang kalamidad at emergency, maituturing na ilegal ang paraang ito na paggamit sa portable cell sites.