Tiwala si dating senador Leila De Lima na hindi hadlang ang maiksing panahon at nalalapit na 2025 elections para itulak ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa dating senador, desidido ang mga complainant na ituloy ang reklamo sa kabila ng mga hamon at limitasyon.
Inakusahan ng mga ito si VP Sara ng graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, at iba pang high crimes.
Kaugnay ito sa kabiguan ng pangalawang pangulo na ipaliwanag ang kwestyunableng paggasta sa 125 million pesos na confidential funds ng OVP at 7 billion pesos na unliquidated cash advance sa kanyang pamumuno bilang dating kalihim ng Department of Education. - Sa panulat ni Laica Cuevas