Pinangunahan ni Cadet First Class Kristian Daeve Gelacio Abiqui bilang valedictorian ang mga nagsipagtapos ngayong taon sa Philippine Military Academy.
Nangako si Abiqui na tutulong sila upang makamit ang maunlad na lipunan at maging malaya sa panggigipit.
Ani Abiqui, makakaasa ang taumbayan na magiging parte sila ng solusyon sa malawakang hamong hinaharap ng bansa ngayon.
Kasabay nito, nagbalik-tanaw rin siya sa kanilang mga pinagdaanan, kung saan mahigit sa 20,000 sibilyan silang nag-aplay sa PMA pero ilan lamang ang pinalad na makapagtapos.
By: Allan Francisco