Walang mali at hindi kwestyunable ang pagtulong ng Amerika sa tropa ng pamahalaan na nakikipag-bakbakan laban sa Maute Group sa Marawi City.
Ito ay ayon kina Senate President Koko Pimentel at Senate Committee on National Defense and Security Chairman Gringo Honasan kaugnay ng ibinibigay na technical at logistical support ng tropa ng Estados Unidos sa AFP o Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Pimentel, hindi pinagbabawal sa konstitusyon ang pagbibigay ng nasabing tulong ng US troops.
Aniya, maraming kasunduan ang namamagitan sa sandatahang lakas ng bansa at tropa ng Amerika kaya’t may mga maaaring gawin at ibigay na tulong ang Estado Unidos.
Sinabi naman ni Honasan na na-aayon sa RP – US Visiting Forces Agreement (VFA) ang pagbibigay tulong ng Amerika basta hindi lalahok ang mga ito sa combat operations.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno