Nagpasaklolo na ang Senate Blue Ribbon Committee sa National Bureau of Investigation o NBI.
Ito’y para hanapin ang Executive ng kumpaniyang Pharmally Pharmaceutical Corporation na si Krizle Mago.
Ayon kay Committee Chairman Richard Gordon, nag-aalala siya sa kalagayan ni Mago lalo’t hindi ito mahagilap ng mga tauhan ng Senado para padaluhin sa naging pagdinig kahapon.
Kinumpirma naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra na inatasan na niya ang NBIpara tuntunin si Mago at maihatid agad ito sa Senado.
Magugunitang ibinunyag ni mago na dinaya nila ang gobyerno sa pagpapalit ng expiry dates ng mga face shield na binili sa kanila.