Iginiit ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na dapat unahin muna ng pamahalaan ang pagtulong sa mga magsasaka bago pagtuunan ng pansin ang panukalang lagyan ng taripa ang mga inaangkat na bigas.
Ayon kay Andaya, hindi na dapat pang intayin ang katas ng naturang panukala bago maramdaman ng mga magsasaka ang ayuda ng pamahalaan.
Matatandaaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos sa kongreso na ipasa ang Rice Tariffication Bill na layong mapatatag ang presyo at mapunan ang artipisyal na kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa.
Sa ilalim ng naturang panukala, papatawan ng tinatayang tatlumpu’t limang porsyentong taripa ang mga aangkating bigas kung saan ang malilikom na buwis dito ay gagamitin umano para tulungan ang mga magsasaka.