Nagsanib pwersa ang Filipno Association of Manpower Services Qatar (FAMS) at Helping Empowering Recognizing OFWs Qatar (HERO) para mas matugunan ang pangangailangan ng mga manggagawang pinoy sa nasabing bansa.
Ayon kay FAMS President Luisa Bulaong, layunin ng kanilang grupo na binubuo ng representatives ng mga recruitment agencies na ma-protektahan ang mga Deployed Domestic Workers at Overseas Filipino Workers.
Nais din ng dalawang grupo na matutukan at bigyang pansin ang mga hinaing ng OFWs sa Qatar.
Samantala, kabilang sa mga pumirma sa kasunduan ang kinatawan ng dswd na si Perlita Riskan at Labor Attache sa Qatar na si Adam Musa. —sa panulat ni Airiam Sancho