Handa ang Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises o MSMEs sa bansa.
Ito ang sinabi ni Trade Undersecretary Dominic Tolentino matapos bumisita sa Muntinlupa City kasabay ng paglulunsad ngayong araw ng ‘Kadiwa ng Pasko’.
Pagtitiyak ni Tolentino, mayroon nang joint venture ang DTI, Airport at mga Malls para makapagtinda ng libre ang mga MSMEs.
Ang “Kadiwa ng Pasko” ay programa ng Office of the President kung saan maaaring bumili ng iba’t ibang produkto katuwang ang DTI, Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment, Lokal na Pamahalaan, at MSMEs.
Magkakaroon ang Kadiwa ng Pasko ng 30 exhibitors na tutulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbebenta ng produkto ng mga ito gaya ng gulay, prutas, isda, itlog, bigas at iba pa.