Tulungan ang mga nasa lansangan.
Ito ang tututukan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle matapos mahirang bilang Pangulo ng Caritas Internationalis.
Sinabi Tagle na dapat mabigyan pansin at matulungan ang mga higit na nangangailangan at ito yung mga nasa lansangan at kanayunan.
Samantala, inamin ni Tagle na maaaring kulang ang kanyang kaalaman at kakayahan para maging pangulo ng Caritas Internationalis.
Pero sa pamamagitan aniya ng tiwala at pagmamahal sa Diyos at pagtutulungan ng lahat ay kumpiyansa itong maisasakatuparan niya ang pagtulong sa kapwa.
Si Tagle ang kauna-unahang Asyanong Pangulo ng Caritas.
By Ralph Obina