Tinututukan na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang sitwasyon ng mga Pinoy na ni-recruit para magtrabaho sa Call Center sa ibayong-dagat pero ginawang scammer.
Ayon kay D.M.W. Undersecretary Hans Leo Cacdac, ipinag-utos na ni Secretary Susan “Toots” Ople na ibigay ang kailangang tulong sa nasabing mga Overseas Filipino Worker.
Tugon ito ng kagawaran naging Privelege speech ni Senator Risa Hontiveros na 12 O.F.W. ang nasagip sa tulong ng Department of Foreign Affairs mula sa isang chinese syndicate na naka-base sa Myanmar.
Inihayag ni Cacdac na nakikipag-ugnayan na ang D.M.W. sa D.F.A. at iba pang kinauukulang ahensya para matulungan ang mga O.F.W. na nasa katulad na sitwasyon.