Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagtulong sa private hospitals sa Cebu City sakaling mapuno ang kapasidad nito sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod na rin ito nang pakikipagpulong ni Duque sa mga opisyal ng pribadong ospital partikular sa Chong Hua Hospital na nasa 98% ng COVID-19 beds ay okupado na.
Sinabi ni Duque na nangako ng tulong ang Vicente Sotto Memorial Medical Center na sasaklolo sa CHH kapag naabot na ang maximum occupancy rate nito.
Ang VSMMC aniya ay mayroong mechanical ventilators at high flow nasal cannula oxygen non-invasive ventilation machines na ginagamit bilang COVID-19 case intervention.
Si Duque ay nasa Cebu City para samahan si Environment Secretary Roy Cimatu sa pagtutok sa COVID-19 situation sa lungsod.