Ibiniro ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtutuloy sa ‘Duterte Tandem’ kasama ang kaniyang anak na si Vice President elect Sara Duterte-Carpio.
Ayon sa Pangulo, maituturing na coincidence at unang kaganapan sa kasaysayan ng bansa na nasa pinakamataas na pwesto ang mag-ama.
Bukas, nakatakdang manumpa bilang ika-15 pangalawang Pangulo ng Pilipinas si Duterte-Carpio na magaganap sa davao city.
Gaganapin naman ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Hunyo a-30 sa National Museum sa Maynila.