Itinutulak sa mababang kapulungan ng Kongreso na pagbotohan na nila kung itutuloy pa ang term sharing deal sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Congressman Lord Allan Velasco.
Ayon kay Congressman Luis Raymund Villafuerte, kung ang Nacionalista party sa Kongreso ang tatanungin, mas gusto nilang magkaruon ng continuity sa liderato ng Kongreso.
Ayaw na aniya nyang maulit ang nangyari sa 2019 budget na naging casualty nang patalsikin si Speaker Pantaleon Alvarez at palitan ito ni dating Congresswoman Gloria Arroyo.
Sinegundahan naman ni Congressman Elpidio Barzaga si Villafuerte.
Aniya, mahirap magpalit pa ng leader sa kalagitnaan ng laro.
Dapat aniyang kilalanin ang napakataas na ratings na nakuha ni Cayetano para sa House of Representatives.