Suspendido muna ang pagturok ng ikalawang dose ng Sputnik Vaccines sa mga residente ng Bacoor, Cavite.
Ito ayon sa Bacoor LGU ay dahil wala pa silang natatanggap ng panibagong supply ng bakuna gawa sa Russia.
Dahil dito, pinayuhan ng Bacoor LGU ang mga naghihintay ng second dose na abangan na lamang ang anunsyo nila sa schedule nang pagturok sa kanila ng Sputnik Vaccines.
Nasa kabuuang 217, 800 doses na ng Sputnik Vaccine ang natanggap ng Pilipinas.