Maraming epekto sa katawan ng isang tao kung matuturukan ito nang nasira ng bakuna kontra Covid-19.
Ito ang sinabi ng Infectious Disease Expert na si Dr. Rontgene Solante sa panayam ng DWIZ, matapos masayang kahapon ang mahigit 31 milyong doses ng Covid-19 vaccines, na nagkakahalaga ng P15.6B.
Ayon kay Solante, hindi nila isinasantabi na mayroong mananamantala sa nasirang bakuna upang maibenta ito sa publiko.
Pero babala ni Solante, maraming negatibong dulot ang expired nang bakuna sa katawan, na posibleng umabot sa pagkasawi.
Hindi natin masigurado yan dahil bakuna ito, may iba diyan baka mag-develope ng severe reaction, case to case pa rin iyan…halimbawa lang yung mga gamot, yung mga antibiotic, mga tableta, may nakikita tayong iba’t-ibang pasyente na umiinom niyan yung mga natitira sa mga cabinet nila iniinom hindi nila alam expired na pala may mga mild talagang reaction…” Dr. Rontgene Solante, Infectious Disease Expert
Samantala, bukas naman si Solante na makipagtulungan sa imbestigasyon sakaling ipatawag hinggil sa pagkasira ng mga bakuna.
Mas maganda yung ganitong klaseng imbestigasyon para lang malaman ng madlang tao kung ano yung mga reason bakit may wastage bakit nag e-expire para for transparency importante ‘yan malaki ang nagastos ng government…at isa sa mga importante diyan kapag may investigation moving forward sa mga next procurement magpaplano tayo ng mas medyo mas magandang plano na hindi tayo maexpire ng mga bakuna…” Dr. Rontgene Solante, Infectious Disease Expert