Posibleng hindi na mabago ang desisyon ng Malakaniyang na gawing pribado ang pagpapabakuna ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, mismong ang Pangulo ang nagsabi na sa kaniyang puwet magpapaturok ng bakuna kaya’t malinaw na hindi maaaring isapubliko ang vaccination process.
Gayunman, una nang tiniyak ng Palasyo na sakaling matapos na ang pagpapaturok ng pangulo ay agad na isasapubliko ang prosesong isinagawa sa punong ehekutibo.