Inalmahan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagtutol ng 152 abogadong filipino sa kanyang nominasyon sa International Law Commission (ILC).
Nanindigan si Roque na hindi siya “guilty” sa kahit anumang krimen at hindi maaaring palabasin na “guilty” dahil lamang nauugnay siya kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tugon ito ng Palace Official sa ipinagngingitngit ng mga abogadong pinoy na hindi siya dapat sa italaga sa ILC dahil sa kanya umanong pag-kunsinte sa extra-judicial killings, pag-atake sa rule of law at due process sa kabila ng pagiging human rights lawyer.
Ayon kay Roque, wala pa namang napapatunayan laban kay pangulong duterte at nasa preliminary investigation pa lamang ang International Criminal Court (ICC) sa war on drugs.
Magkakaroon lamang anya ng hurisdiksyon ang ICC kung mapatutunayan ng mga prosecutor na ang mga local court sa bansa ay hindi gumagana. —sa panulat ni Drew Nacino
Samantala, nanawagan naman si Roque sa mga nabanggit na abogado na respetuhin ang “Due Process at Presumption of Innocence.”