Tanggap ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtutol ng China na magkaroon ng third party investigator sa Recto Bank incident.
Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na okay lang sa pangulo na walang third party o tanging Pilipinas at China lamang ang magsasagawa ng imbestigasyon sa usapin.
Ang gusto lang aniya ng Pangulong Duterte at ng China ay tapusin na ang isyu at magkaroon na ng closure dahil marami na ang sumasakay dito.
Ayon pa kay Panelo, nasisira na rin ang relasyon ng Pilipinas at China dahil sa naturang usapin.
Kasabay nito, ipinabatid ni Panelo na itinalaga ng Pangulong Duterte si Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana para katawanin ang Pilipinas sa bubuuing working group sa pagitan ng Pilipinas at China na mag-iimbestiga sa Recto Bank incident.