Nanawagan si Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa publiko na tutulan ang same sex marriage.
Ito’y matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pagpabor sa naturang hakbang.
Ayon kay Bastes, sagrado ang pag aasawa sa pagitan ng lalake at babae kung saan layunin nito ay magkaroon ng anak at bumuo ng isang pamilya.
Giit ng Obispo imposible ang layuning ito kung pareho ng kasarian ng magsasama.
Ito rin aniya ang dahilan kaya tinututulan ng Simbahang Katolika ang same sex marriage.
Bagkus umano ang dapat tututukan ng pamahalaan ay ang mabigyang ng proteksyon ang bawat pamilyang binabasbasan ng Panginoon.