Tinawag na iresponsable ng Malakaniyang ang tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Theodore te.
Ito’y makaraang tutulan ni Te ang plano ng University of the Philippines Board of Regents na gawaran ng honorary degree si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, hindi maaaring ikatuwiran ni Te ang personal niyang pananaw lalo’t malinaw na nagsisilbi siya sa pamahalaan.
Bilang abogado, dapat alam ni Te ang tinatawag na constitutional presumption of innocence lalo pa’t wala namang kasong nakasampa laban sa Pangulo na may kaugnayan sa human rights violation.
Una nang tinanggihan ni Pangulong Duterte ang nasabing plano ng Unibersidad ng Pilipinas.
By: Jaymark Dagala