Hindi hinuhusgahan ng Malacañang ang panukalang inihain ni Senator Risa Hontiveros na Senate Bill 1979 o ang Adolescent Pregrancy Prevention Act.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, dapat tingnan ni Senator Hontiveros ang komento ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa kontrobersyal na Senate Bill no. 1979 bilang opinyon ng isang magulang.
Karaniwan lang aniya ang pagiging broad ng mga salita kaya kahit itinatanggi ng senador na walang kinalaman sa pagtuturo ng masturbation ang kanyang orihinal na panukala, posibleng ganito ang connotation ng nabasa ng Pangulo.
Gayunman, mas mainam na bigyan muna si Pangulong Marcos ng pagkakataon na mabasa ang bagong bersyon ng senate bill bago muling hingan ng komento sa isyu. – Sa panulat ni Jeraline Doinog