Pinasalamatan ng pamahalaan ang pagtutulungan ng lahat ng sektor para maging matagumpay ang pagdaraos ng APEC Summit.
Ito ang binigyang diin nina Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez, Office of the Deputy Director General for Security Natalio Ecarma, at DILG Undersecretary Peter Irving Corvera.
Binigyang-diin ng mga nabanggit na opisyal na gaya ng pulisya, media, pamahalaan at ang mga Pinoy mismo ang naging pangunahing susi upang maging matagumpay ang APEC Summit sa bansa.
APEC Security Task Force
Samantala, tila nabunutan ng tinik ang APEC security task force sa loob ng Multi-Agency Coordination Center sa Mall of Asia sa Pasay city matapos pormal nang nakalabas ng bansa ang lahat ng lider ng APEC.
Kuntento ang lahat ng miyembo ng security task force sa resulta ng Apec Summit.
Ikinuwento pa ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez na may isang nag-aanunsyo sa loob sa harap ng lahat sa tuwing nakakalabas ng ligtas sa bansa ang bawat lider ng APEC at lahat aniya ay nag-chi-cheers.
Bukod kay Marquez, halata rin kina Office of the Deputy Director General for Security Natalio Ecarma at DILG official Peter Irving Corvera ang saya ngayong nakalabas ng bansa ang mga dumalong APEC leaders.
Ito’y kahit na may mga naunang APEC leader ang nagpahayag ng pangamba sa pagpunta rito sa Pilipinas.
By Meann Tanbio | Allan Francisco