Sanib-pwersa na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng batas, kaugnay sa naging banta ni vice president sara duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta – Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na hindi personal ang pagkilos na ito ng pamahalaan.
Gayunpaman, kailangan aniyang palakasin ang mga institusyon ng gobyerno at isulong ang konstitusyon.
Ayon sa opisyal, isang pagkakataon na rin ito, upang ipakita sa taumbayan na walang kinikilala ang batas, at papapanagutin nito ang mga mapapatunayang nagkasala.
Aniya, kung hindi ipatutupad ang batas sa mga makapangyarihan at ma-impluwensyang tao, ano pang klaseng pamahalaan, mayroon ang bansa. – Sa panulat ni Laica Cuevas