Dapat na paigtingin pa ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo sa agham at teknolohiya sa basic education upang ihanda ang mga mag-aaral sa mga hamon sa hinaharap.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ito ay para matiyak na matututunan ng mga estudyante ang mga pangunahing kaalaman sa agham at teknolohiya na magagamit sa job opportunity.
Sinabi naman ni Undersecretary for Administration Alain Del Pascua na dahil sa pandemya nagkaroon ng oportunidad ang mga guro na gumamit ng iba pang teknolohiya para mapabilis ang pag-upload ng learning resources. —sa panulat ni Airiam Sancho