Dapat daw na palakasin ng Department of Education ang edukasyon hinggil sa batas militar at diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ito’y matapos maihimlay si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon sa lider ng umano’y genuine minority bloc sa Kamara, Congressman Teddy Baguilat, binabaluktot ng ilang grupo ang kasaysayan.
Sa ngayon, ginagawa, aniya, ng mga nasabing grupo na bayani si Marcos sa kabila ng diktadurya ng kanyang rehimen sa ilalim ng batas militar.
Sinabi rin ni Baguilat na kapag pinaigting ang edukasyon tungkol sa Martial Law, hindi mababago ang kasaysayan, tulad nang tinatangka ng ilang grupo.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc