Tuloy ang pag-arangkada ng bakunahan sa Spain ng Astrazeneca COVID-19 vaccine sa kabila ng mga ulat sa ibang bansa ng kaso ng pamumuo ng dugo ng mga nabakunahan.
Ayon kay Health Minister Carolina Darias, wala pang nauulat na kaso ng blood clots sa mga naturukan ng naturang bakuna sa kanilang bansa kaya’t tuloy ang bakunahan sa Espanya.
Dagdag ni Darias, minor side effects lamang ang mga naranasan ng mga nabakunahan ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa kanilang bansa.
Matatandaang itinigil muna ng bansang Denmark at Austria ang pagbabakuna ng Astrazeneca COVID-19 vaccine dahil sa mga ulat ng pamumuo ng dugo.—sa panulat ni Agustina Nolasco