Sinuspindi pansamantala ng Department of Health (DOH) ang pagtuturok ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na gawa ng AstraZeneca para sa mga indibidwal na nasa edad 60 anyos pababa.
Ito’y makaraang makatanggap ng report na may ilang indibidwal na binigyan ng bakunang gawa ng AstraZeneca ang nakaranas ng pamumuo ng dugo o blood clotting, maging ang pagbaba ng kani-kanilang mga platelet count.
Kapwa naman sinabi ng DOH at Food and Drug Administration (FDA) na kailangan nilang ipatigil ang pagtuturok ng bakuna para matiyak ang kaligtasan ng sinumang pilipino na makatatanggap nito.
Pero paliwanag ng FDA na bagamat pinatigil ang paggamit nito, hindi naman ibig sabihin na delikado at hindi ito epektibo pangontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).