Lumarga na ang vaccination program ng pamahalaan sa Occidental Mindoro matapos dumating doon ang 750 doses ng bakuna ng Sinovac.
Kasama sa mga unang tinurukan ng bakuna si Dr. Rylan Howell Superiano, chief of clinic ng Occidental Mindoro Provincial Hospital.
Sa 318 health workers at empleyado ng provincial hospital, 228 lamang ang nagpabakuna.
Ngayon araw, magsisimula naman ang vaccination sa Oriental Mindoro.
Samantala, nabakunahan na rin ang ilang health workers sa Cagayan Valley, kabilang si Dr. Glenn Mathew Baggao, medical director ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.
Itinakda naman ngayong araw ang pagbabakuna sa ilang ospital sa Cagayan Valley habang sinimulan na rin ang katulad na programa sa Sarangani kung saan unang tinurukan si provincial health officer Dr. Arvin Alejandro.