Sisimulan na sa Biyernes o Sabado ng National Vaccination Operations Center (NVOC) ang pagtuturok ng booster dose sa mga malulusog na kabataang nasa edad 12 hanggang 17.
Ito ay matapos aprubahan ng Health Assessment Technology Council (HTAC) ang pagbibigay ng booster shot sa nasabing age group.
Ayon sa kay NVOC Chairperson Health Undersecretary Myrna Cabotaje, magkaiba ang magiging interval sa booster shot ng mga immunocompromised individual na mayroong 28 araw sakaling maturukan na ng second primary series ng covid-19 vaccines.
Magkakaroon naman ng 5 buwang interval sa pagtuturok ng booster dose para sa malulusog na kabataan pagakatapos ng ikalawang primary dose ng bakuna.
Sinabi ni Cabotaje na tanging ang point 3 ml sa kada dose ng Pfizer vaccine ang ibibigay sa mga bata bilang booster dose dahil ito palang ang mayroong Emergency Use Authorization (EUA) na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).