Sisimulan na ngayong araw ng pamahalaan ang pagtuturok ng single Covid-19 vaccine booster dose sa mga senior citizen at may comorbidities o A2 at A3 categories, homologous man o heterologous.
Ang homologous booster shot ay pagtuturok ng kahalintulad na bakunang ginamit sa first at second dose habang ang heterologous booster shot ay pagtuturok ng ibang vaccine brand.
Kabilang sa mga immune-compromised individual na eligible tumanggap ng booster shot ang mga may immunodeficiency state, HIV, active cancer o malignancy, transplant patients at mga sumasailalim sa immune-suppressive treatments.
Gayunman, dapat ay hintayin muna ng nila ang anim na buwan matapos ang kanilang second dose bago bigyan ng booster.
Para sa heterologous booster dose, inirekomenda ng DOH sa mga binakunahan ng Sinovac ang Astrazeneca, Pfizer at Moderna; Astrazeneca — Pfizer at Moderna;
PFIZER — Astrazeneca at Moderna; Moderna — Astrazeneca at Pfizer; Gamaleya — pfizer, Astrazeneca at Moderna; Janssen — Astrazeneca, Pfizer at Moderna. —sa panulat ni Drew Nacino