Hindi pa inirerekomenda ng pamahalaan ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa mga batang edad 12 hanggang 17.
Ayon kay Vaccine Expert Panel Chief Dr. Nina Gloriani, hinihintay pa ng gobyerno ang mga pag-aaral na nagsasabing humihina ang immunity ng naturang age group matapos makatanggap ng primary series.
Aniya, pinaplano na ng ibang mga bansa ang pag-aadminister ng booster shots sa mga immunocompromised individuals na kabilang sa nasabing age group.
Matatandaang noong November 3, 2021 nang simulan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 12 hanggang 17.