Sinimulan na ng Department of Tourism (DOT) ang pagbabakuna ng booster shot para sa fully vaccinated tourism workers bilang karagdagang proteksyon laban COVID-19.
Ayon kay Toursim Secretary Bernadette Romulo Puyat, nasa 90% ng vaccination rates sa mga aktibo at eligible Tourism workers bilang parte ng pagsisikap ng DOT na buhayin muli ang sektor.
Ipinabatid pa ng DOT Chief, ibinabakuna ang COVID-19 booster shots sa tourism workers sa Metro Manila at Boracay Island kung saan susundan naman ng iba pang Tourism destinations gaya ng Baguio City at Davao.
Dagdag pa ng DOT na ang mga nabakunahang manggagawa ay mula sa Accommodation establishments na pansamantalang nagsisilbing isolation/quarantine facilities, regular hotels, tourism enterprises, tourism support services, at community-based tourism organizations.