Sisimulan na ng Valenzuela City ang pag tuturok ng booster sa January 3, 2022.
Maaari nang magpabakuna ng booster ang mga residenteng anim na buwan o mahigit ang nakalipas mula nang kanilang makumpleto ang shots, samantala, tatlong buwan lamang ang kinakailangan sa mga naturukan ng Janssen brand.
Abiso ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa mga magpapabooster shot na dalhin ang kanilang, valtrace QR code, VCVAX passport, at medical certificate sa araw ng kanilang schedule.
Nangunan nang magasikaso ng booster shots noong November 25, 2021 ang lungsod, ito ay matapos aprubahan ng Department of Health (DOH) at ng Philippine Food and Drug Administration (FDA).—sa panulat ni Mara Valle