Nagbabala ang Health Department sa mga gagamit ng Covid-19 booster shot na walang Emergency Use Authorization (EUA).
Ito’y matapos may kumalat na balita na mayroong nagpapaturok ng booster shot na wala namang EUA ng FDA.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi mananagot ang pamahalaan kung sakaling makaranas ang pasyente ng malalang adverse effects matapos maturukan nito.
Isa aniya ito sa paglabag sa national protocols ng gobyerno.
Binigyang diin pa ng kagawaran na hindi nila iniipit ang suplay ng bakuna sa bansa bagkus tinitiyak lamang nila na ligtas at epektibo ang pagtuturok ng ikatlong dose ng bakuna laban sa Covid-19.