Palalakasin pa ng pamahalaan ngayong Hunyo ang pagbibigay ng COVID-19 booster dose.
Ayon kay Epimaco Densing III, Undersecretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG), isa ito sa mga agendang tinalakay sa pulong ng National Vaccination Operation Center (NVOC).
Sa pamamagitan ng plano, mapalalakas ang kampanya ng mga LGU na bakunahan at hikayatin ang kanilang mga constituent na magpaturok ng booster.
Mayroong hanggang katapusan ng Hunyo ang pamahalaan para maabot ang target na 70 milyong fully vaccinated na indibidwal na matuturukan ng booster dose.